Masayang ibinida ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang patuloy na pagbaba ng mga naitalang krimen sa lalawigan ngayong taon.

Ayon kay PCapt. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng CPPO na mula Enero hanggang Agosto ng 2019 ay may naitalang 1,207 na krimen sa lalawigan na mababa ng halos 23% kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Nananatili naman ang lungsod nag Tuguegarao na may malaking populasyon ang may pinakamataas na bilang ng krimen sa 381 habang pinakamababa naman sa isla ng Calayan.

Sa naturang bilang, sinabi ni Mallillin na naging epektibo ang crime solution efficiency ng kapulisan na nagresulta sa mataas na bilang ng mga kasong nalutas na mahigit isang libo.

Aniya ang pagbaba sa bilang ng krimen ay dahil sa epektibong paglaban dito sa pamamagitan ng pinaigting na police operation at mga intervention na isinasagawa ng PNP.

-- ADVERTISEMENT --

Ibinababa na rin ng provincial investigators ang kanilang serbisyo sa bawat PNP units upang tumulong sa pagresolba o paglutas sa mga unsolved crimes.