Mahigit sa pitong porsyento ang ibinaba ng crime rate sa lalawigan ng Cagayan sa nakalipas na buwan ng Pebrero, ngayong taon.

Base sa datos na inilahad ni PCOL Ariel Quilang, director ng Cagayan Police Provincial Office, umabot lamang sa 153 ang krimeng naitala sa lalawigan mula February 7 hanggang March 3 na mas mababa ng 13 kumpara sa 166 na krimen na naitala mula January 7 hanggang February 3.

Lumalabas na bumaba ng 48.27 percent ang bilang ng mga index crimes na murder, rape, carnap, theft, robberry sa 15 nitong February kumpara sa 29 noong Enero.

Ang non-index crimes naman ay nabawasan din ng 0.96 percent mula 103 sa 104 noong Enero.

Hinggil naman sa crime solution efficiency ng pulisya, umabot sa 76.47 porsyento ang kanilang naitala kumpara sa 75.30 porsyentong crime solution efficiency noong Enero.

-- ADVERTISEMENT --

Mula 96.98%, bumaba naman ang crime clearance efficiency o na-clear na kaso sa 87.58% nitong Pebrero.

Tinig ni PCOL Ariel Quilang, director ng Cagayan Police Provincial Office

Sinabi ni Quilang na ang pagbaba ng naitalang krimen ay patunay na epektibo ang ipinatutupad na mga programa ng pambansang pulisya kontra kriminalidad.