Magpapatuloy ngayong Miyerkules ang cross-examination ng kampo ni Vice President Sara Duterte kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag sa ika-9 na araw ng impeachment trial.

Sa nakaraang pagdinig, inilahad ni Matibag ang naging imbestigasyon ng NBI kaugnay sa umano’y pagbabanta ni Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sinabi nitong mayroon nang mga person of interest, ngunit tumanggi siyang pangalanan ang mga ito.

Pinayagan din ng Senate impeachment court ang submarking ng affidavit ng self-confessed na dating Davao Death Squad member na si Arturo Lascañas bilang bahagi ng ebidensya, bagama’t nilinaw ng korte na hindi ito nangangahulugang kinikilala nitong totoo ang nilalaman ng naturang dokumento.