
Pinagtibay pa ng Civil Service Commission (CSC) ang mga patakaran para labanan ang HIV/AIDS sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.
Sa ilalim ng bagong resolusyon, inaatasan ang mga ahensya na magsagawa ng education campaign, access sa testing at gamutan, at pagtitiyak ng non-discriminatory at confidential na pagtrato sa mga empleyadong may HIV.
Hinimok din ng CSC ang pakikipagtulungan ng mga ahensya sa Department of Health (DOH) at Philippine National AIDS Council para sa mas malawak na serbisyo.
Sakop umano ng panuntunan ang lahat ng kawani ng gobyerno, kabilang na ang nasa Local Government Units (LGUs), State Universities and Colleges (SUCs), at Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs).