Patuloy na isinusulong ng Civil Service Commision (CSC) sa mga sangay ng pamahalaan ang pagpapakita ng integridad lalo na sa pagpili ng mga aplikante sa inaaplayang posisyon sa gubyerno.
Ayon kay Valnisan Calubaquib, tagapagsalita ng CSC RO2 na bahagi ng pagpapakita ng integridad ay ang pagpili ng empleyado na hindi sa palakasan bagkus base sa integridad, competence at performance sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan.
Sinabi ni Calubaquib na lumang tugtugin na ang palakasan na tumatak sa isipan ng mamamayan kung kaya patuloy na isinusulong ang pagpili sa karapat-dapat na aplikante ng gubyerno na makakatuwang sa mandato ng bawat opisina.
Pangunahing pinaalalahanan ng CSC sa pagsunod sa integridad ang mga municipal, provincial, at regional offices na madalas ina-aplayan ng mga naghahanap ng trabaho sa gobyerno.