TUGUEGARAO CITY- Muling bubuksan ng Civil Service Commission o CSC Region 2 ang prof at non-prof examination para sa general public ngayong taon.

Sinabi ni Nerissa Canguilan, director ng CSC Region 2 na ipo-post nila sa kanilang FB Account ang link na kailangan buksan para makapag-apply para sa nakatakdang examination sa June 19, 2022.

Ayon kay Canguilan, magsisimuila ang pagtanggap nila ng online application sa April 12 at 13 at sa 18, 19 at 20.

Sinabi ng opisyal na kung hindi mapupuno ang kanilang qouta na 8, 500 sa nasabing pagsusulit ay posibleng palalawigin nila ang application dates.

Ayon kay Canguilan, hindi sila tatanggap ng walk- in upang malaman nila kung kailangan na itigil na ang pagtanggap ng mga aplikasyon at makasunod pa rin sa health protocols.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na makakatanggap ng text message ang isang aplikante para sa kumpirmasyon ng kanyang booking sa pagsusulit.

Ang mga testing centers ay dito sa lungsod ng Tuguegarao, Cauayan City sa Isabela, Diffun, Quirino at Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kaugnay nito, sinabi ni Canguilan na pupunta rin sila sa isla ng Calayan para sa pagsasagagawa ng pagsusulit upang hindi na kailangan na pumunta pa ng Tuguegarao ang mga examinees.

Kasabay nito, sinabi ni Canguilan na tuloy-tuloy naman ang computerized examination sa Tuguegarao subalit wala muna ngayong buwan ng Abril dahil sa marami silang gagawing aktibidad.

Bukod dito, sinabi ni Canguilan na muling magkakaroon ng examination sa buwan ng Agosto.