TUGUEGARAO CITY- Nagpaliwanag ang Civil Service Commission o CSC Region 2 kaugnay sa hindi pag-aalok sa publiko sa CSC examination na gaganapin sa buwan ng Marso ngayong taon.

Sinabi ni Nerissa Canguilan, direcor ng CSC Region 2 na inuna nila ang request ng mga ahensiya ng gobyerno na matagal ng naka-pending sa kanilang tanggapan.

Ayon sa kanya, layunin nito na makakuha na ng examination ang mga kawani ng pamahalaan na nangangailangan ng eligibility upang mabigyan din sila ng permanent position.

Bukod dito,sinabi ni Canguilan na ito rin ay upang malimita ang bilang ng mga kukuha ng pagsusulit para maiwasan ang malakihang gathering bilang pag-iingat sa covid-19.

Sa katunayan ay sobra-sobra na ang kanilang qouta para sa examination sa Marso na umaabot sa 9, 813 na ang kanilang dapat na target ay 6, 000 lamang.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Canguilan na mayroon pa namang susunod na examination sa buwan ng Hunyo.

Bukod dito, sinabi niya na sa susunod na buwan ay posibleng bubuksan na rin nila ang computerized examination na gagawing tatalong beses sa isang linggo at ito ay para sa lahat at hindi lamang para sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Ayon sa kanya, online ang application para sa nasabing pagsusulit.

Kasabay nito, sinabi ni Canguilan na pinag-aaralan na rin nila ang pagkakaroon ng online examination.