TUGUEGARAO CITY-Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC)-Region 2 ang mga empleyado ng gobyerno na hanggang bukas , Hunyo 30,2020 na lamang ang ibinigay na palugit para sa kanilang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net worth.

Ayon kay Regional Director Nerissa Canguilan ng CSC-Region 02 , marami ang kaakibat na kaparusahan sa mga empleyado ng gobyerno ang hindi makakapaghain ng kanilang SALN tulad ng pagkatanggal sa serbisyo at pagbabawal na muli silang makapasok sa gobyerno.

Ang palugit ay matapos ang dalawang buwan na extension mula noong April 30,2020 na dating deadline dahil sa pagpapatupad ng community quarantine kung saan pansamantalang ipinagbawal ang pagbibyahe.

Paliwanag ni Canguilan, makikita sa SALN ang lahat ng pag-aari ng isang empleyado ng gobyerno at isa rin ito sa pinagbabasehan sa “lifestyle check” lalo na kung may makikitang biglaan naidagdag sa kayamanan.

Kaugnay nito, umapela ang director na huwag balewalain ang submission ng SALN dahil may mga opisyal na ng pamahalaan na natanggal sa serbisyo dahil sa bigong paghaahin nito.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Regional Director Nerissa Canguilan

Samantala, sinabi ni ni Canguilan na sa kalagitnaan ng ECQ at GCQ ay may mga natanggap na reklamo ang kanilang ahensiya mula sa mga government employees kaugnay sa hindi pagsunod ng ibang ahensiya ng “work from home” scheme at pinipilit silang papasukin.

Bukod dito, may mga Local Government Unit(LGUs) na rin silang napagsabihan dahiul sa pagpupumilit sa kanilang mga empleyado na pumasok sa trabaho.