TUGUEGARAO CITY- Tumatanggap na ng nominees ang Civil Service Commission para sa Oustanding Government Workers or Honor Awards Program 2020.

Sinabi ni Dr. Valnisan Calubaquib, tagapagsalita ng CSC Region 2 na bukas ang sinuman na magsumite ng kanilang nominee para sa tatlong award na ibibigay ng ahensiya.

Ayon sa kanya, may hanggang Marso para makapagbigay ng nominee na sa alam nila ay karapatdapat na makatanggap ng Presidential Lingkod Bayan, Pag-asa ng Bayan at Dangal ng Bayan Award.

Sinabi ni Calubaquib na para sa sinumang magsusumite ng mga nominee ay kailangan na samahan ito ng mga dokumento na susuporta sa kanilang nominasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, sila na ang bahalang mag-aayos at magsasapinal at magsasagawa ng validation sa mga ito kung karapat-dapat ang nominado sa alinman sa mga nabanggit na parangal.

Ipinaliwanag ni Calubaquib na sa tatlong award ang Dangal ng Bayan ang pinakamabigat dahil sa kailangan na taglay nito ang walong pamantayan sa ilalim ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.