Napabilang sa Top 10 passer ang dalawang graduate sa dalawang Unibersidad sa Rehiyon Dos sa katatapos na September 2021 Licensure Examination for Teacher (LET) na ibinigay ng Philippine Regulation Commission (PRC).
Sa inilabas na resulta ng PRC, nakuha ni Czendra Faye Compares ang ikalawang pwesto (top 2) habang si Devin David Dumlao naman ay pasok sa ika-apat na pwesto (top 4), kapwa sa Secondary Level ng katatapos na 2021 LET.
Si Compares ay alumnus ng Cagayan State University Andrews campus at tubong Tuguegarao City na nakakuha ng 93.20% sa exam habang si Dumlao ay nagtapos sa Our Lady of Pillar College-Cauayan City at tubong Jones, Isabela na may passing rate na 92.40%.an sa Isabela na may passing rate na 92.40%.
Nabatid pa na tubong Ilagan City, Isabela ang Top 1 na si Roslyn Vea Damasco na may passing rate na 93.40% at nagtapos sa UP-Diliman.
Mula sa 8,726 examinees para sa Elementary level, 4,883 dito ang pumasa habang mula sa 17,863 examinees sa Secondary level ay 10,318 lamang ang nakapasa batay sa nakaraang resulta ng eksaminsayon.
Isinagawa ang naturang pagsusulit noong September 26, 2021 sa ibat ibang testing center sa bansa na kinabibilangan ng Tugueagarao City at Cauayan City.