Ipinaliwanag ng Tuguegarao City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kung bakit basa ang mga relief boxes na naipamahagi sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa lungsod dulot ng bagyong Uwan.

Ayon kay Aileen Guzman, nagkataon lamang na ang lugar kung saan nakalagay ang mga boxes ay bahain, kaya nabasa ang mga kahon ngunit hindi naman nailubog o na-suspend sa tubig.

Idinagdag pa niya, ang binanggit sa isang scial media post na ang bigas ay matigas ay dahil naka-vacuum sealed packaging, ang mga de-lata ay hindi kontaminado, at ang expiration ng mga items ay sa susunod na taon pa.

Matatandaang isang residente ng nasabing lungsod ang nagreklamo at nag-post sa social media na basa ang kanilang natanggap na relief items, kung saan umani ito ng iba’t-ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

Ayon sa CSWDO, layunin ng ahensiya na mag-abot na tulong at hindi nila gugustuhing may mga pamilyang mapahamak lalo na sa panahon ng krisis.

-- ADVERTISEMENT --