
Kinumpirma ng abogado ni Pacifico “Curlee” Discaya, si Cornelio Samaniego III, na dinala sa ospital ang kanyang kliyente dahil nakararanas siya ng iba’t ibang karamdaman.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sumailalim si Discaya sa MRI test dahil sa frozen shoulder.
Maikli lamang ang kanyang pananatili sa ospital kaya agad siyang naibalik sa detention facility ng Senado matapos ang pagsusuri.
Nakadetine si Discaya sa Senado mula Setyembre 2025 matapos siyang ma-cite in contempt kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Ang kanyang asawa na si Sarah Discaya ay nakadetine naman sa Lapu-Lapu City Jail.
Sila ay iniuugnay sa ilang construction firms na may hawak na government contracts, kabilang ang mga proyekto sa flood control na iniimbestigahan.









