Mananatili sa kustodiya ng Senado ang kontratistang si Curlee Discaya matapos ibasura ng Pasay City Regional Trial Court ang kanyang petition for writ of habeas corpus.

Kinumpirma ng kanilang abogado na si Atty. Cornelio Samaniego III ang desisyon ng korte, pero tumanggi itong magbigay ng karagdagang detalye o komento.

Ayon sa Pasay RTC, walang basehan ang alegasyon ng kampo ni Discaya na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Senado sa pagpapataw ng contempt order laban sa kanya.

Matatandaang Setyembre 18 nang i-contempt si Discaya ng Senate Blue Ribbon Committee matapos siyang mahuling nagsinungaling sa imbestigasyon kaugnay ng flood control scandal.