Handa na ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) upang tugunan ang mga isusugod sa ospital na biktima ng paputok sa nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay CVMC Medical Center Chief Dr Glenn Mathew Baggao, sapat ang mga hospital staff at gamot para sa mga posibleng biktima.

Gayunman, sinabi ni Baggao na hanggat maaari ay huwag nang gumamit ng anumang uri ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon, sa halip ay magdasal na lamang bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap ngayong taon.

Pinalalahanan rin nito ang publiko sa pagsunod sa mga health protocols kasabay ng mga aktibidad ngayong holiday season bilang pag-iingat sa muling pagkalat ng COVID-19.