CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

TUGUEGARAO CITY-Inihahanda na ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC)ang kanilang mga isolation rooms lalo na ngayong mabilis ang pagtaas ng naitatalang nagpopositibo sa Covid-19 sa bansa.

Ayon kay Dr. Glenn mathew Baggao, medical center chief ng CVMC ,may 80 isolation rooms ang pagamutan na ginagamit sa mga confirmed cases maging sa suspected cases.

Aniya, kailangang maging handa ang CVMC dahil hindi lamang galing sa Cagayan ang mga dinadala sa pagamutan na apektado ng virus kundi maging sa mga kalapit na probinsiya.

Gayonman, umaasa si Baggao na hindi aabot sa mas grabeng sitwasyon ang magiging epekto ng covid-19.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao

Matatandaan, una na ring naglabas ng memorandum o panuntunan ang DOH-Region 02 kung saan inaatasan ang Local Government Unit(LGU)na maglaan ng quarantine facility para sa mga confirmed cases ng covid-19 na asymptomatic at ang Municipal health Office (MHO) na ang magmomonitor.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na layon din ng panuntunan na ireserba ang mga covid ward para sa mga severe o critical cases ng virus at paghahanda na rin kung sakali na tumaas ang bilang ng mga covid-19 patients sa rehiyon.