Magpapadala ng medical team ang Cagayan Valley Medical center upang tumulong sa mga napauwing Filipino na naka-quarantine at minomonitor kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Athletes’ Village sa New Clark City, Tarlac.
Ayon kay Dr. Cherry Lou Molina, Medical Professional Staff ng CVMC na nakatakdang bumiyahe bukas ang kanilang anim na doktor at staff upang mag-assist sa mahigit 400 Pilipinong umuwi mula Japan na sumasailalim sa 14-day mandatory quarantine.
Isasailalim din sa quarantine protocol ang medical team pagbalik ng mga ito sa Cagayan.
Samantala, sinabi ni Dr. Molina na nag-negatibo sa virus ang 23 Patients Under Investigation sa CVMC, base sa resulta ng kanilang swab test sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Aniya, na-discharged na sa pagamutan ang 22 habang nananatiling naka-admit sa Intensive Care Unit (ICU) ng CVMC ang isa pa matapos ma-stroke.
Sa ngayon, isang PUI na lamang ang patuloy na minomonitor sa naturang pagamutan.
Payo naman nito sa publiko ang palagiang malinis sa katawan at kumain ng masusustansya upang makaiwas sa anumang uri ng sakit.