TUGUEGARAO CITY-Nakahanda umano ang cagayan valley medical center o cvmc na mag asikaso sa mga suspected novel corona virus patients.
Sa panayam ng bombo radyo, sinabi ni DR. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC na mayroon ng isolation room na inihanda kung saan dadalhin ang mga makitaan ng senyales ng coronavirus.
Inihayag ni Dr. Baggao na nakipag ugnayan din sa naturang pagamutan ang bureau of quarantine na nakatalaga sa lallo international airport para sa naturang hakbang.
Ayon pa sa kanya na nakatakdang magsagawa ng inspeksiyon ang cvmc at Department of Health (DOH)Region 2 sa Tuguegarao Airport at Lallo International Airport para tiyakin na walang makapuslit na carrier ng naturang infectious disease sa probinsiya
Aniya hindi lang chinese nationals ang mahigpit na isasailalim sa pagsusuri kundi pati ang mga pinoy na galing sa mga bansa na may nagpositibong kaso ng nCoV
Kaugnay nito, nilinaw ng DOh na wala pang reported na suspected ncov patients sa lalawigan taliwas sa kumakalat na impormasyon na may mag asawang chinese nationals ang naka quarantine ngayon sa bayan ng Sta ana.
Pahayag ni Dr. Baggao na nakipagpulong siya sa Bureau of Quarantine pero wala naman umanong nabanggit sa kaniya./ with reports from Bombo Marvin Cangcang