Nagpapaalala ang Cagayan Valley Medical Center sa publiko na panatilihin ang disiplina at striktong sundin ang mga nakalatag na panuntunan upang maiwasan ang pinangangambahang muling pagsipa ng COVID-19 kasabay ng paggunita ng semana santa sa lambak ng Cagayan.
Sa panayam kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng ospital, napakahalaga aniya na mapanatili ang social distancing, pagsusuot ng face mask at hanggat maaari ay dapat sanang magsuot ng faceshield lalo na kung dumadalo sa mga prosisyon o church activities at maging campaign rallies.
Paliwanag nito, bagamat nasa mababang alert level na ang halos lahat ng lugar sa bansa ay hindi dapat na magpakampante dahil mayroon nanamang binabantayan na mga panibagong variant ng virus.
Samantala, sa ngayon aniya ay nasa mababang kaso na ng COVID-19 ang naitala sa CVMC kung saan batay sa pinakahuling datos ay nasa pitong active cases nalamang ang binabantayan na apat mula sa isabela tatlo mula sa cagayan.