TUGUEGARAO CITY- Nasa Batangas na ang 14 na medical staff na kinabibilangan ng mga doctor, nurses at pharmacists sa Batangas na ipinadala ng Cagayan Valley Medical Center.

Sinabi ni Dr. Glen Mathew Baggao, chief ng CVCM, umalis ang mga nasabing personnel kahapon ng umaga sakay ng dalawang ambulance at isang pick-up.

Ayon kay Baggao, dala ng mga ito ang mga gamot, surgical at n95 masks.

Sinabi ni Baggao na tutulong ang mga nasabing personnel sa Batangas Medical Center dahil sa inaasahang pagdami ng makakaranas ng respiratory illnesses dahil sa mga abo na ibinuga ng Taal Volcano.