TUGUEGARAO CITY-Handang-handa na ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC)para sa pagbubukas ng kauna-unahang molecular laboratory o covid-19 testing center sa Region 02 na gaganapin sa araw ng Lunes, August 3, 2020.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC, naka-install na ang dalawang RT-PCR machine at nakahanda na rin ang kanilang mga staff para tumanggap ng mga specimen.

Aniya, malaking tulong ang mga nasabing makina para mas mapabilis ang pagsasagawa at paglabas ng resulta kung saan kaya umano nitong makapagsagawa ng 200 hanggang 300 test bawat machine kada araw.

Sinabi ni Baggao na kasalukuyan na rin nilang inaayos ang ilan sa mga rekomendasyon ng DOH at RITM sa kanilang inspection nitong nakaraang araw na pagkukulang ng pagamutan tulad ng pagsasaayos sa ilang kakulangan ng gusali.

Kaugnay nito,kasama sa kanilang inimbitahan sa pagbubukas ng molecular laboratory ay si Health Sec. Francisco Duque III at ilan pang opsiyales.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Dr. Glenn mathew Baggao

Samantala, sinabi ni Baggao na inaasahan na rin nila ang pangatlong RT-PCR machine mula sa DOH-central office na dadalhin sa CVMC.

Nakikipag-ugnayan na rin ang kanilang tanggapan sa Philippine Health Insurance Corporation (PHILhealth ) para lahat ng kanilang miembro ay wala ng babayaran kung sakali na sasailalim sa swab testing.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao

Sa ngayon, nasa walong confirmed cases ang kasalukuyang minominotor sa pagamutan at siyam ang suspect cases.