Tiniyak ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center na tuluy-tuloy ang konstruksyon ng ibat-ibang medical specialty center sa naturang pagamutan.
Ayon kay Dr. Cherry Lou Antonio, medical center chief, lima mula sa 14 specialty center na ipinapatayo ang napapakinabangan na ng publiko.
Isa aniya ito sa mga programa ng CVMC na nakadagdag sa puntos nito para makamit ang Silver Trailblazer Award mula sa Institute for Solidarity in Asia para sa pagsisikap nitong isulong ang mabuting pamamahala sa sektor ng kalusugan.
Malaking tulong aniya ang Performance Governance System na nagsisilbing gabay na bawat ahensya sa pagpapatupad ng kanilang mandato sa taumbayan.
At sa pamamagitan ng mga specialty centers ay hndi na kailangang bumiyahe pa papuntang Manila ang mga may mga malalang sakit gaya ng cancer.