TUGUEGARAO CITY- Nagpapasalamat si Dr. Glen Mathew Baggao, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center dahil sa walang naitalang firecracker related injuries sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon sa kanilang ospital.

Ayon sa kanya, nitong nakalipas na taon, 16 ang nasugatan dahil sa mga paputok.

Gayonman, sinabi ni Baggao na marami naman ang dinala sa CVMC dahil sa vehicular accident na karamihan ay sakay ng motorsiklo at ang mga sakay ay nasa imopluwensiya ng alak.

Sa nasabing bilang, dalawa ang na-admit dahil sa head injuries.

Samantala, sinabi ni Baggao na apat ang nagsilang ng kanilang sanggol sa CVMC sa pagsalubong sa bagong taon.

-- ADVERTISEMENT --

Ang una ay ipinanganak sa oras na 12:20, ang sumunod ay 12:30, ang pangatlo ay 3:00 at 5:00 am naman ang huli.

Sinabi ni Baggao na normal delivery ang mga sanggol at kapwa malusog umano ang ina at ang kanilang mga anak.

Sa estado naman ng covid-19, sinabi ni Baggao na 56 ang minomonitor ngayon na covid-19 related patients.

Sa nasabing bilang 46 ang confirmed cases habang 10 naman ang suspected patients

Sinabi ni Baggao na isa ang severe ang kundisyon, may ilan ang mild condition habang ang iba pa ay nasa recovery stage na.

Kaugnay nito, sinabi ni Baggao na mas paigtingin pa ang pag-iingat dahil sa variant ng covid-19.

ang tinig ni Dr. Baggao