Nanawagan ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa pamahalaan na maglatag ng malinaw na regulasyon para sa mga online content tulad ng vlogging na kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Ayon kay CWC Executive Director Angelo Tapales, makikipag-ugnayan ang ahensya sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang pag-aralan ang mga patakaran kaugnay ng paglikha ng content ng mga bata sa social media at internet.

Paliwanag ni Tapales, sa kasalukuyan ay wala pang umiiral na regulasyon ang DOLE na direktang sumasaklaw sa vlogging at online content creation ng mga menor de edad, kaya’t tinuturing itong gray area.

Binigyang-diin ng CWC na bagama’t maaaring masaya ang mga ganitong content, may mga kaso umano ng posibleng exploitation sa mga bata, lalo na kung naaapektuhan ang kanilang pag-aaral at normal na pag-unlad.

Sa ilalim ng umiiral na batas, kinakailangan ng working child permit para sa mga menor de edad na nasa trabaho, kabilang ang entertainment industry, at dapat ito ay may gabay ng magulang o naaayon sa itinakdang kondisyon ng DOLE.

-- ADVERTISEMENT --