TUGUEGARAO CITY- Mahigpit na minomonitor ng Anti-Cybercrime Unit ng Police Regional Office 2 ang mga cybercrime lalo na ang on line libel.

Sinabi ni Pcol.James Cipriano, chief ng nasabing tanggapan na ang on line libel ang madalas na inirereklamo sa kanilang tanggapan.

Ayon sa kanya, kabilang sa mga on libel ang pagmumura, paninira at iba pa gamit ang social media lalo na ang facebook.

Gayonman, aminado ang opisyal na nahihirapan silang bumuo ng kaso sa on line libel.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila nito, sinabi niya na patuloy nila itong tinututukan upang mabawasan kung hindi man matigil o mawala ang mga katulad na insidente sa social media.

Kasabay nito, nanawagan siya sa mga netizen na maging responsable sa paggamit ng social media.