Pinalawig pa hanggang June 30, 2019 ang pagsusumite ng aplikasyon para sa scholarship program ng Department of Agricture.

Ayon kay Nieves Andrea, program coordinator ng DA RO2, bukas ang aplikasyon sa mga estudyanteng nagpaplanong kumuha ng kurso sa Agriculture, Fisheries, Forestry, at Veterinary Medicine.

Ang aplikante para sa Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF) ay kailangang graduating highschool students, high school graduate, o nakapasa sa Alternative Learning System (ALS).

Sa bagong guideline, ang mga iskolar ay makakatanggap ng subsidiya para sa tuition na P20,000 kada taon at stipend na P25,000 para sa dalawang semesters.

May dagdag pang matatanggap ang mga iskolar na P3,500 para sa tuition, P15,000 sa pag-conduct ng thesis at P3,000 allowance sa On the Job Traing (OJT).

-- ADVERTISEMENT --

Hinikayat ni Andrea ang mga interesado na makipag-ugnayan sa DA RO2 na matatagpuan sa San Gabriel Tuguegarao City o sa mga qualified State Colleges and Universities sa rehiyon.