
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) at ng state-owned Food Terminal Inc. (FTI) na may sapat na suplay ang gobyerno para sa P20-per-kilo rice program na “Benteng Bigas, Meron Na!”.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., patuloy ang paggiling ng palay ng National Food Authority (NFA) upang mapunan ang stocks na ibinebenta sa mga KADIWA centers at iba pang distribution sites ng mga lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Tiu Laurel na nauunawaan nila ang pangamba ng publiko dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, ngunit iginiit niyang hindi makakatulong ang panic buying dahil may sapat na rice buffer at magandang ani ang bansa.










