Hihilingin ng Department of Agriculture (DA) sa Commission on Elections (Comelec) na huwag isama mula sa May 2025 midterm alections spending ban ang pagbebenta ng bigas mula sa National Food Authority ng mga local government units.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magpapadala sila ng sulat sa Comelec para ipaalam sa kanila ang umiiral na programa.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 67 na LGUs ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na bumili ng NFA rice na ibebenta sa kanilang constituents.

Dahil dito, hihilingin nila ang tulong ng Comelec na huwag isama sa spending ban ang mga LGUs na makikibahagi sa nasabing programa.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 11060, kailangan ang certificate of exemption para maipatupad ang mga aktibidad at mga programa sa social welfare projects and services habang umiiral ang spending ban mula March 28 hanggang May 11, 2025.

-- ADVERTISEMENT --

Nitong buwan ng Enero, inihayag ng Comelec ang exemption ng maraming social perograms mula sa spending ban, na kinabibilangan ng kontrobersiyal na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Ang paglalabas ng NFA rice stocks ay kasunod ng deklarasyon ng food security emergency noong February 3, matapos na irekomenda ito ng National Price Coordinating Council, na layuning mapababa ang presyo ng bigas.