Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na maaabot ang bagong record high na palay o unmilled rice production ngayong taon, kasabay ng pagbabalik sa P10-billion na dagdag na budget para sa rice program.

Sisikapin ng DA na maabot ang original target na 20.46 million metric tons (MT) ngayong 2025, mas mataas sa 2023 record na 20.06 million MT.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik ang P10 billion sa budget na unang ibinawas sa rice program ay magbibigay-daan sa ahensiya na ipatupad ang iba’t ibang stratehiya upang maabot ang kanilang target.

Samantala, nakatakdang iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA)sa susunod na linggo ang overall performance ng agriculture sector noong 2024, kabilang ang palay production.

Subalit, tinaya ng DA na ang volume ng palay noong 2024 ay umabot sa 19.3 million MT, mas mababa sa 20 million MT target level dahil sa mga tumama na weather disturbances, tulad ng tagtuyot dahil sa El Niño phenomenon sa unang bahagi ng taon at La Niña sa huling bahagi ng 2024 na nagdulot ng mga pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --