Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang paggamit ng pondo mula sa Quick Response Fund para makabili ng fertilizer.

Aminado kasi ang DA na tumaas ang presyo ng fertilizer habang papalapit ang wet season.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, bago ang digmaan sa Ukraine ay nasa P1,500 lamang ang urea at complete fertilizer, ngunit ngayon ay umaabot na ito sa P2,500 hanggang P2,800 ang presyo.

Samantala, bahagya ring tumaas ang presyo ng bigas ng P3 hanggang P5 ngunit pagtitiyak nito na nananatiling stable naman ang suplay dahil mahigit 80% ng bigas ng bansa ay iniimport.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DA na patuloy nilang mino-monitor ang presyo at inaayos ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang agrikultura at matiyak ang food security sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --