Nagbigay ng pahintulot ang Department of Agriculture (DA) para sa importasyon ng 25,000 metric tons (MT) ng iba’t ibang frozen fish at seafood sa susunod na tatlong buwan upang maiwasan ang anumang potensiyal na pagsirit ng presyo lalo na sa food service industry.

Nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Memorandum Order No. 12 na bumabalangkas sa guidelines para sa pag-aangkat ng 40 na isda at fishery o aquatic products mula Marso 1 hanggang Mayo 30, 2025.

Tiniyak ni Laurel na hindi ito makakaapekto sa mga lokal na mangingisda at inaasahan nila na makakatulong sa mas magaan na pagnenegosyo.

Kabilang naman sa food service industry ay ang restaurants, bars, fast food outlets, caterers at iba pang nagbebenta o nagsisilbi ng pagkain o inumin sa pangkalahatang publiko.

Ang ‘mga isda at seafood’ na saklaw ng DA memo ay ang Alaskan pollock, barramundi, bluefin tuna, capelin, Chilean Seabass, clams, cobia, cod/black cod, croaker, eel, emperor, fish meat, flounder, gindara, grouper, hake, halibut, hamachi, hoki at lobster.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang din ang marlin, moonfish, mussels (black, green-lipped, blue), mullet, octopus, oilfish, oyster, pangasius, red snapper, salmon, sardines, scallops, sea bream, silverfish/silver sillago, smelt, soft at hardshell crabs, squid, swordfish, tuna by-products at yellowtail sole.

Maglalaan ang ahensiya ng paunang 28,000 MT sa bawat accredited o registered importer, habang ang natitirang dami ay ipamamahagi sa kuwalipikadong qualified importers sa first-come, first-served basis.

Hindi na tinukoy ng memo ang mga hakbang at kaparusahan upang matiyak na ang mga inangkat na marine products ay hindi makikipag-paligsahan sa local seafood industry, partikular na sa mga isda na oridnaryong natatagpuuan sa mga wet market.

Ang mga imported fish o seafood ay dapat na nakalagay sa BFAR-accredited cold storage facilities.

Iio ay bukas sa mga importers na accredited para sa hindi bababa sa isang taon bago pa ipalabas ang kautusan at iyong nagpartisipa s mga naunang importasyon.