Pinaplano na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagtatayo ng composting facilities upang mai-convert ang mga biodegradable waste sa organic fertilizer.
Ito aniya ang kasagutan ng ahensiya sa problema ukol sa mataas na presyo ng commercial o chemical fertilizer na binabalikat ng mga magsasaka.
Ayon kay laurel Jr., hindi lamang ito susupurta sa sustainable farming sa Pilipinas bagkus, mababawasan din ang synthetic fertilizer at pestisidyo, kasama na ang pagdepende rito.
Sa ilalim ng plano ng DA, maaaring maibenta ang mga abonong makukuha rito sa mas murang halaga, daan upang bumaba ang gugugulin ng mga magsasaka sa abono, mas mapababang cost of production, at mapalaki ang return of investment.
Ang pasilidad ay poponduhan sa ilalim ng iba’t-ibang banner program ng DA habang ang Bureau of Soils and Water Management ang magi-implementa rito sa tulong ng DA regional field offices.