Ikinokonsidera ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng mga isda kabilang ang galunggong at mga gulay upang maibsan ang impact ng sunod-sunod na bagyo sa local supply.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang layunin ng panukalang importasyon ay para maiwasan ang pagtaas ng presyo at matiyak ang sapat na food supply.

Idinagdag pa ni De Mesa na pinag-aaralan na rin ng ahensiya ang panukala na umangkat ng 8,000 metric tons ng galunggong, mackerel, moonfish, aat bonito, at kung maaprubahan ay inaasahang darating sa unang dalawang linggo ng Disyembre.

Ito ay dagdag sa importasyon ng 30,000 MT ng isda na pinahintulutan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ngayong taon na magsisilbing augmentation sa stockpile ng bansa sa panahon ng pansamantalang fishing ban.

Gayonman, nilinaw ni De Mesa na walang kakulangan sa supply ng mga isda at mga gulay sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --