photo credit: DA region 02

Nasa 45 alagang baka ang naipamahagi ng Department of Agriculture (DA)- Region 02 sa mga kwalipikadong magsasaka sa bayan ng Solana at Tuao, Cagayan.

Ito ay sa ilalam na rin ng expanded livestock and poultry livelihood program kung saan ito ay para tulungan ang mga magsasaka na apektado ng krisis na dulot ng covid-19 at ang naitalang tagtuyot.

Kaugnay nito 25 baka ang ibinigay sa Tuao West Cattle Raisers Association at 20 sa Western Light Marketing Cooperative sa Barangay Lannig, Solana.

Ayon kay executive director Narciso Edillo ng DA-Region 02, napili ang mga nasabing bayan at mga farmers cooperative association batay na rin sa criteria ng ahensya.

Labis naman ang pasasalamat ng LGU Solana at Tuao sa programa ng DA para sa mga magsasaka sa kanilang nasasakupang lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nasabing aktibidad ng DA ay isa sa paraan para mapaunlad pa ang agrikultura sa kabilang ng nararanasang pandemya.