TUGUEGARAO CITY-Namigay ng tulong ang Department of Agriculture (DA)-Region 2 sa mahigit 100 pamilya ng mga magsasaka sa bayan ng Aparri kasabay ng unang araw ng taong 2021.

Ayon kay Bernard Malazzab Jr. focal person ng Kadiwa ni ani at kita ng DA-region 2, ito ay sa ilalim ng “bangon magsasaka program ng ahensya.

Aniya, una silang nagsagawa ng donation drive nitong nakalipas na taon matapos maranasan ang malawakang pagbaha at iba pang kalamidad kung saan isa sa kanilang naging target beneficiary ang mga magsasaka sa Brgy. Padday ng nasabing bayan.

Ilan sa kanilang mga ibinigay ay ang kumot, hygiene kits at iba pang gamit na makakatulong sa kanilang pang-araw araw na aktibidad.

Bukod dito, sinabi ni Malazzab na kanila na ring pinag-aaralan ang mga iba pang nakalinyang proyekto para sa mga magsasaka upang matulungan silang makaahon sa kabila ng mga naranasang kalamidad at pandemya na dulot ng covid-19.

-- ADVERTISEMENT --

Pinasamalatan naman ni Malazzab ang kanilang mga partners sa mga ipinaabot na tulong para sa mga magsasaka na nangangailangan ng tulong.

Nabatid na una na ring nagpaabot ng tulong ang ahensya sa iba pang lugar sa Cagayan maging sa Isabela kung saan 3,000 na ang naabutan ng tulong.