TUGUEGARAO CITY-Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA)-R02 ang kanilang relief operations sa pamamagitan ng “Bangon Magsasaka Operation Tulong” para sa mga naapektuhan ng pagbaha sa rehiyon.
Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA-R02, inumpisahan nilang mamahagi ng tulong sa halos 600 pamilya sa Brgy.Pinopoc, Alcala.
Nakatanggap ang mga ito ng iba’t ibang klase ng gulay, bigas at corn by-products.
Ngayong araw, Nobyembre 18,2020 ay namigay naman ang ahensya ng 100 packs ng limang kilo ng bigas na may kasamang assorted groceries, 440 na iba’t-ibang klase ng kulay at 495 packs ng seven in one vegetables seeds.
Ang Bangon Magsasaka ang siyang nakikipag-ugnayan sa mga farmers/fishers cooperatives and associations na siyang magiging suppliers ng bigas, gulay, prutas at fishery products.
Kaugnay nito, sinabi ni Edillo na magkakaroon ng center na pangangasiwaan ng ilang kawani ng ahensya para sa pagtatanggap ng donasyon na ipapamahagi sa mga magsasaka na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa rehiyon.
Tiniyak naman ng direktor na masusundan ang kanilang pamamahagi ng tulong sa mga labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa lalawigan. with reports from Bombo Efren Reyes Jr.