TUGUEGARAO CITY- Magpupulong ang mga director ng Department of Agriculture Region 2, 3 at Cordillera Administrative Region sa Lunes, February 24 sa Tuguegarao City laban sa African Swine Fever.
Sinabi ni Narciso Edillo, executive director ng DA Region 2 na inimbitahan niya ang mga opisyal ng DA Region 3 at CAR para magsagawa sila ng zoning ng kanikanilang boundaries para sa unfoform na mga hakbang laban sa ASF.
Ito ay matapos na siyam na bayan sa Isabela ang apektado ng ASF.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Edillo ang gobernador ng Isabela na magdeklara ng state of emergency kung lalawak pa ang mga maaapektuhan ng ASF.
Gayonman, nilinaw niya na sa mga nasabing bayan, hindi nangangahulugan na lahat ng mga barangay na nakapaloob sa mga ito ay apektado na ng ASF.