Sinimulan na ng Department of Agriculture ang paghahanap ng mga institutional buyers at market linkages para sa mga pinya bilang tulong sa mga magsasaka na magsisimulang mag-ani ngayong huling linggo ng Hunyo hanggang Agosto.
Ayon kay Agribusiness and Marketing Assistance Division Chief Say Paccarangan ng DA-Region 2, sa pamamagitran ng social media o online marketing, naii-link sa mga buyer ang Sweet Cayenne na malalaking variety ng pineapple sa rehiyon.
Bukod dito, hinimok rin ni Paccarangan ang mga magsasaka ng pinya na magfill-up lang ng form para sa pagbibigay ng logistic support upang dalhin ang kanilang mga ani sa kanilang mga consumers.
Maaari rin makipag-ugnayan sa kanilang local government unit o sa AMAD upang matulungan silang maibenta sa KADIWA Store o maiproseso ang kanilang produkto gaya ng pineapple jam.
Ito ay bukod pa sa ginagawang hakbang ng bawat Farmers Cooperative Association mula Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya na may pineapple plantation sa Cagayan Valley upang maiiwas ang pagtatapon ng mga produkto.
Sa ngayon ay nasa pagitan ng P60 hanggang P70 ang halaga ng bawat piraso ng pinya na makikita sa merkado.