TUGUEGARAO CITY-Patuloy umanong nakakasabat ang Department of Agriculture (DA)Region 2 ng mga karne ng baboy na mula sa ibang rehiyon sa kabila ng mahigpit nilang pagbabantay.

Ayon kay Ruberto Busania ng DA-region 2, marami pa ring mga traders ang nakakapuslit ng karne sa mga inilalatag na checkpoint sa mga entry at exit points ng rehiyong dos.

Aniya, kanya-kanyang paraan ang mga traders para makapagpuslit ng karne ng baboy kung kaya’t kanilang hinigpitan ang kanilang mga inilatag na checkpoint.

Kaugnay nito, nanawagan si Busania sa publiko na huwag nang subukang magpuslit ng karne ng baboy dahil maaari itong maging dahilan na magkaroon ng kaso ng African Swine Fever o ASF sa rehiyon.

Dahil dito, sinabi ni Busania na dinagdagan ng kanilang tanggapan ang mga inilatag na checkpoint na umaabot na sa mahigit 20 sa tulong na rin ng mga Local Government Unit para matiyak na walang makakalusot na karne ng baboy na apektado ng ASF.

-- ADVERTISEMENT --