Patuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Agriculture o DA R02 sa mga pananim dahil sa nararanasang pag ulan at pagtaas ng lebel ng tubig dito sa lalawigan ng Cagayan.
Sa panayam kay Rosemary Aquino, direktor ng ahensya nasa 20 hanggang 30% sa kabuuan ng ektarya ng mais at palay sa rehiyon ang natamnan na kung saan nakatutok sila lalo na sa mga nasa mababang lugar dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig at dahil naging saturated na ang lupa.
Kung wala naman umanong mararanasang malakas na hangin ay magiging beneficial pa ito sa mga naitanim sa mataas na lugar para maging sapat ang kailangan na tubig lalo at pinaghahandaan din ang posibleng epekto ng El Nino.
Inaasahan naman na sa kapag bumuti na ang panahon ay magtutuloy tuloy na ang pagtatanim ng mga magsasaka.
Samantala, nakahanda naman ang buffer seed stock mula sa Quick Response Fund mula sa ahensya para sa ibibigay na tulong sa oras na may maiulat na naapektuhan ng mga pag uulan.
Sinabi rin nito na may proseso sa pagbibigay ng tulong at kinakailangan pa dumaan ito sa validation.