TUGUEGARAO CITY-Target ng Department of Agriculture (DA)-Region 2 na makapagpadala ng 300 sako ng bigas sa Itbayat, Batanes ,bukas, araw ng miyerkules bilang tulong sa mga biktima ng lindol.

Kaugnay nito,hinimok ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA-Region 2, ang mga research center sa rehiyon na may mga stock pang naaning palay na ipakiskis na ito para maipadala sa Batanes.

Ayon kay Edillo, bagamat una ng nakapagbigay ang kanilang tanggapan ng tulong tulad ng mga noodles at delata, hindi pa rin ito sapat kung kayat kailanganin pang magbigay ng bigas.

Samantala, sinabi ni Edillo na kasalukuyan na ring inihahanda ng kanilang ahensiya ang mga ipapamahaging pananim na bawang, na siyang pangunahing itinatanim sa nasabing probinsiya para may nakahanda nang tulong pangkabuhayan sa mga residente sa kanilang pagbabalik sa normal na buhay.

Sinabi ni Edillo na bagamat walang pinsala sa crops at livestock sa pagtama ng lindol, kailangan pa rin ng mga magsasaka ang nasabing tulong para makarekober mula sa pinsalang dulot ng lindol./ —with reports from Bombo Efren Reyes Jr.

-- ADVERTISEMENT --
Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA-Region 2