TUGUEGARAO CITY Hinimok ng Department of Agriculture (DA)-Region 2 ang mga local Government Units (LGUs) na direktang bumili ng mga produktong ani ng mga magsasaka bilang dagdag sa ipinamimigay na relief goods.

Itoy bilang tugon sa hinaing ng mga magsasaka na nahihirapang maibiyahe ang kanilang mga produktong agrikultura dulot ng pinaigting na community quarantine.

Bukod dito, mas mapapalakas ng sariwang pagkain ang resistensiya ng katawan laban sa anumang uri ng sakit.

Matatandaang inumpisahan na ng LGU-Alcala sa pangunguna ni Mayor Tin Antonio ang pagbili ng bigas at mga butil tulad ng munggo, bitwelas, at buto ng sitaw mula sa mga magsasaka.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa alkalde, ang mga bibilhing produkto ng mga magsasaka sa Alcala ay ipapamahagi ng LGU bilang food packages sa mga mamamayan.