TUGUEGARAO CITY- Umaasa ang Department of Agriculture Region 2 na makakaani ang mga magsasaka ng 1.2 metric tons ng palay ngayong unang cropping ngayong 2019.
Sinabi ni Dr.Ernesto Guzman,focal person for rice program ng DA Region 2 na nagsimula na ang anihan ngayong Mayo hanggang sa Hunyo.
Ayon sa kanya, ang annul target rice production ng ahensiya ay 2.5 metric tons.
Dahil dito,sinabi niya na patuloy ang kanilang information dessimination at pagtuturo sa mga magsasaka sa tamang timing ng pagtatanim ng palay.
Bukod dito,namamahagi din sila ng hybrid rice seeds sa mga magsasaka upang makatulong sa pagpapataas ng kanilang produksion.
-- ADVERTISEMENT --