TUGUEGARAO CITY-Ipinakilala sa halos 2,000 poultry farmers ang iba’t-ibang uri ng manok ,kasabay ng grand farm festival ng Department of Agriculture (DA) region II sa bayan ng Solana.
Ayon kay Ferdinand Arquero ng DA region II, nasa 30 klase umano ng manok ang ipinakita sa mga magsasaka na maaring gamitin sa breeding sa mga native chicken dito sa probinsiya.
Aniya,malaking tulong umano ito para masupplyan ang pangangailangan ng rehiyon sa mga poultry products
Karamihan umano kasi ay galing sa ibang probinsiya ang mga itlog na ibinebenta sa merkado dahil kakaunti lamang ang bilang ng mga nag-aalaga ng manok sa rehiyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Arquero na pag-aaralan muna ng ahensiya ang mga manok bago isagawa ang breeding sa mga alagang manok ng mga magsasaka sa rehiyon para mas maganda ang resulta sa mga poultry farmers.