TUGUEGARAO CITY- Pinangunahan ni Agriculture William Dar ang pamimigay ng P15k na cash loan sa mga magsasaka sa Cagayan na apektado ng pagbaba ng presyo ng palay dahil sa Rice Tarrification Law na tinawag na Surival and Recovery Program for Rice Farmers o E-SURE.

Ang nasabing loan ay babayaran ng mga magsasaka na may isang ektarya palayan at pababa na babayaran naman nila sa loob ng walong taon na walang interest.

Umabot sa 803 ang nabigyan ng nasabing loan na mula sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Enrile, Iguig, PeƱablanca, Piat, Solana at Tuao.

Kaugnay nito, nangako si Dar na bibigyan din ng loan na P5k ang mga magsasaka na may dalawang ektaryang taniman ng palay.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit ang mga may higit sa dalawang ektarya ay may nakalaan umano na programa sa kanila ang Department of Agriculture na maaari nilang i-avail.

Ayon pa sa kalihim, umaabot na sa 42, 000 na magsasaka ang nabigyan ng nasabing cash loan mula sa Land Bank sa buong bansa.

Kasabay nito, ay inatasan ni Dar ang DA Region 2 na tingnan ang mga maaaring maibigay na tulong sa mga magsasaka na nasira ang kanilang mga pananim dahil sa mga pagbaha.

Kasunod nito ay nagtungo si Dar sa PeƱablanca para sa inauguration at turn-over ng isang farm to market road doon.

Nakatakda rin ang pagkakaloob ng nasabing cash loan sa Quirino at Nueva Vizcaya kung saan ay nauna nang isinagawa ang nasabing aktibidad sa Isabela.