Sinimulan na ng Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang pagbabakuna laban sa African swine fever sa Lobo, Batangas.
Sa panayam, sibabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, sinimulan nila ang unang roll out ng 10,000 ASF AVAC live vaccines.
Tiniyak ni De Mesa na magtutuloy-tuloy ang pagbabakuna mula sa bayan ng Lobo ay isasagawa ito sa buong Batangas at maging sa ibang lugar na may maraming kaso ng ASF.
Ang Lobo ang unang bayan na nagdeklara ng state of calamity dahil sa ASF.
Ayon sa BAI, nasa 66 na barangay sa Batangas ang nasa red zones, o ang mga lugar na may active cases ng ASF.
Sa kasalukuyan, 32 probinsya ang apektado ng ASF, ngunit unang isinalang sa bakunahan ang nasa mahigit 40 mga baboy sa Lobo.
Umaasa si De Mesa na sa pamamagitan ng pagbabakuna ay muling sisigla ang hog industry sa bansa.