Nakapagtala ang isang daga sa Cambodia na naghahanap ng mga landmine ng world record matapos na makaamoy ng mahigit 100 mines at ilang piraso ng hindi sumabog na ordnance.
Ayon sa Belgian charity APOPO, si Ronin, isang higanteng African pouched rat, ay natukoy ang 109 landmines at 15 na iba na hindi sumabog na mga pampasabog buhat nang kanyang deployment sa northern Preah Vihear province noong August 2021.
Pinangalanan si Ronin na most successful Mine Detection Rat (MDR) sa kasaysayan ng nasabing organisasyon.
Sinabi ng APOPO, ang kahanga-hanga na accomplishments ni Ronin ang nagbigay-daan pra makakuha siya ng Guinness World Records title para sa pinakaraming landmine na natukoy ng isang daga, kung saan tampok ang mahalagang papel ng HeroRats sa humanitarian demining.
Tinalo ni Ronin ang dating record, na hawak ng daga na si Magawa na nakahanap ng 71 landmines at 38 na UXOs sa kanyang limang taon na serbisyo bago ang kanyang retirement noong 2021.
Ginawaran si Magawa ng gold medal for heroism dahil sa pagtukoy ng mga landmines sa nasa 225,000 square meters na lupa, na katumbas ang 42 na football pitches.
Namatay si Magawa noong 2022.
Ayon sa APOPO, mayroon pang dalawang taon o higit pa na detection work.
Samantala, itinakda ng Cambodia na maging mine-free ngayong taon 2025, subalit iniurong ang deadline ng limang taon dahil sa hamon sa pondo at may mga nadiskubre na bagong landmine fiels sa Thai border.