Asahan na sa susunod na linggo ang dagdag-bawas sa produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), batay sa apat na araw na trading ay asahan ang P.15 na tapyas o P.30 na dagdag presyo sa kada litro sa gasolina, P.20 hanggang P.40 naman ang tapyas sa presyo sa kada litro ng kerosene.

Samantala, wala namang paggalaw ang presyo o hanggang P.40 ang tapyas sa kada litro ng diesel.

Ang posibilidad na pagkakaroon ng rollback ay dahil sa oil storage facility mula Iran export terminal.

Habang ang posibilidad naman na pagkakaroon ng price hike ay dahil sa global oil demand.

-- ADVERTISEMENT --