Asahan ang muling paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa inisyal na pagtaya ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng diesel ay maaaring bumaba mula P0.35 hanggang P0.75 kada litro, habang ang kerosene ay maaaring bumaba rin mula P0.15 hanggang P0.55 kada litro.
Maaari namang tumaas o bumaba ang presyo ng gasolina ng hanggang P0.15 kada litro.
Ngayong linggo, una nang nagpatupad ng rollback ang mga petroleum companies sa kanilang mga produkto kung saan umabot sa P0.70 hanggang P0.90 ang tapyas sa kada litro ng gasolina habang ang kerosene at diesel ay nagkaroon ng pagbaba mula P0.60 hanggang P0.80.