Inaasahan ang muling dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolo sa susunod na linggo.
Batay sa pinakahuling trading mula sa Department of Energy, posibleng muling tumaas ng P0.15 to P0.45 centavos sa kada litro ng gasolina habang nasa P0.10 to P0.40 sa kada litro ng diesel.
At inaasahang rollback naman na P0.20 to P0.30 sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa DOE, ang naturang dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa geopolitical tension sa Middle East Supply Outlook sa 2025.
Inaasahan naman ilalabas ng mga kumpanya ng langis ang presyo nito sa darating na Lunes.
-- ADVERTISEMENT --