Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.90 sa kada litro ng gasolina habang bawas presyo naman na P0.20 sa kada litro ng diesel at P0.40 sa kada litro naman ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.
May dagdag-bawas din sa presyo ng mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng madaling araw.
Ang ipapatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.